^

PSN Showbiz

Sarah sosyal na sosyal sa mag cover!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sarah sosyal na sosyal sa mag cover!
Sarah

Ang favorite singer-actress ko na si Sarah Geronimo ang cover girl ng November issue ng Cosmopolitan Magazine.

Sosyal na sosyal si Sarah sa pictorial nito para sa sikat na lifestyle at fashion magazine. Perfect ang paglabas ng magazine sa The Great Unknown: Unplugged, ang album show ni Sarah sa Kia Theater sa November 29.

Matagal nang inaabangan ng fans and supporters ni Sarah ang kanyang special show pagkatapos ng dalawang buwan niyang bakasyon.

Imelda ayaw paawat

Ayaw paawat ni Imelda Schweighart, ang Miss Philippines Earth 2016 na nag-resign noong Lunes dahil sa paglitaw ng video ng pang-ookray niya kay Miss Earth Katherine Espin.

Hindi binawi ni Imelda ang sinabi nito na peke ang boobs, ilong at baba ng Ecuadorian girl na nanalo noong Sabado ng Miss Earth 2016 title. Imbes na humingi ng paumanhin, nag-dialogue ang palaban na beauty queen na kung krimen ang pagsasabi ng katotohanan, sorry raw talaga.

Kahit short-lived ang reign niya bilang Miss Philippines Earth, winner pa rin si Imelda, sa kabila ng mga batikos sa kanya, dahil sa lahat ng mga kandidata ng Miss Earth 2016, siya ang nagmarka nang todo sa utak ng publiko.

Kesehodang nag-resign siya, forever nang nasa isip ng mga tao na si Imelda ang most controversial winner ng Miss Philippines Earth at hindi na ito mabubura sa kasaysayan ng mga beauty pageant sa Pilipinas.
Half Filipina half German si Imelda na lumitaw ang katapangan nang mawalan siya ng gown na gagamitin sa coronation night ng Miss Earth dahil ipinasuot kay Miss Ecuador. Kung ako man ang nasa sitwasyon ni Imelda, magwawala rin ako. Luz Valdez na nga ang beauty niya sa Top 16 ng Miss Earth, inagawan pa siya ng gown.

Mabuti na lang, pinahiram siya ni Miss Guam ng damit or else... Palaban si Imelda pero madalas na biktima siya ng bullying. Nang mag-join siya sa Miss Philippines Earth noong June 2016, naging isyu ang pambu-bully sa kanya ng ibang mga kandidata.

Aljur binalikan ang pinakamamahal?!

Lumabas ang picture nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na magkasama sa Japan. Wondering ang fans kung nagkabalikan ba ang ex-lovers o hindi sinasadya ang pagkikita nila sa nasabing bansa.

Nagsalita noon si Aljur na nakipaghiwalay siya sa babae na pinakamamahal niya dahil ang showbiz career ang kanyang top priority. May mga nagduda na si Kylie ang girl na tinutukoy ni Aljur pero hindi ito nagbanggit ng name.

Na-cremate na noong Lunes ang labi ni Mommy Lydia Mercado, ang nakagisnan na ina ni Jennylyn Mecado. Pinagbigyan ng media ang request ni Jennylyn na pribadong pagluluksa dahil hindi nila ininterbyu ang aktres na nagdadalamhati at affected na affected sa pagkawala ng nanay niya.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with