PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Lacson pumalag sa patutsada ni Maceda

MANILA, Philippines - Pumalag si Sen. Panfilo Lacson  sa naging pahayag ni dating Senate President Ernesto Maceda na ang sinumang boboto para sa  pag-acquit o pagpapa­walang sala kay Chief Justice Renato Corona ay maituturing na pagpapahayag ng suporta kay  Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Lacson, ma­li­wanag na pang-iinsulto  ang pahayag ni Maceda dahil pinalalabas nito na may ibang dahilan na labas sa impeachment court ang gagawing pagboto ng mga senador na tumatayong judges sa trial ni Corona.

Sinabi ni Lacson na sila ang magdedesisyon  kung guilty o hindi ang Punong Mahistrado sa mga iniharap na Articles of Impeachment at ibabatay nila ito sa mga iniharap na ebidensiya.

Ayon kay Lacson, mistulang pinalalabas ni Maceda na lahat na lang  ay pulitika ang umiiral sa Pilipinas kahit pa sa mga  seryoso at makasaysayang usaping tulad ng impeachment trial kay Corona.

Kaugnay nito, inihayag ni Sen. Koko Pimentel na  pang-iintriga  lang ang pahayag na ito ni Maceda dahil sa wala itong basehan.

Tiniyak ni Pimentel na hindi makaka-pressure sa kaniya ang naging pahayag ni Maceda  kahit na kilala siyang kaalyado ni Binay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon pa kay Pimentel, hindi naman sila kinakausap ni Binay tungkol sa impeachment ni Corona.  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: