PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Constitutional crisis itinanggi ng Palasyo

MANILA, Philippines - Ipinagwalambahala kahapon ng Malacañang ang babala na magkakaroon umano ng cons­titutional crisis dahil sa pakikipaghidwaan nito sa Supreme Court.

Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na walang nakikita ang Palasyo na magkakaroon ng constitutional crisis sa pagtatalo kamakailan ng dalawang sangay ng pamahalaan.

“Sa tingin ko, walang mangyayaring constitutional crisis. Kinikilala ng lahat ng panig na ang isa ay rumeresponde lang batay sa isang bagay. kumbaga may basehan ang pinanggagalingan ng mga sentimyentong ito,” wika pa ni Valte.

Hindi rin anya kailangang pulungin ang Judicial Executive Legis­lative Advisory and Consultative Council na tulad ng iminumungkahi ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone.

Sinasabi ni Evardone na dapat pulungin ang JELAC para masagkaan ang anumang constitutional crisis.

Pero sinabi ni Valte na, kung layunin lang sa pulong ng JELAC na pag-usapan ang banta ng Palasyo na ipahinto ang P4.97 bilyong badyet ng hudikatura, naayos na ang isyu.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Wala nang problema. Hindi na ito kaila­ngan pang pag-usapan.Tapos na,” sabi pa niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: