PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mayon sasabog sa loob ng 4-araw

MANILA, Philippines - Isinailalim na sa critical level ang bulkan Mayon at sa loob ng apat na araw ay pinangangambahang sumabog ito, ito’y matapos na mabalutan na ng asfall o abo ang tatlong bayan ng Albay.

Ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), patuloy ang pagbuga ng asupre at pagdagundong sa paligid ng bulkan at nitong nakalipas na mag­damag ay nakapagtala ng 1,266 volcanic earthquakes sa paligid nito.

Sa tantiya ni Paolo Reniva, ng Philvocs Region V, malaki ang posi­bilidad na sumabog ang bulkan sa loob ng 4-araw na saklaw ng isang ling­gong palugit sa pagtaas ng alert level 4 na indi­kasyon ng isang malakas at ma­panganib na pag­sabog sa susunod na mga oras.

Kabilang sa mga ba­yang naapektuhan ng ashfall ang Guinobatan, Camalig at Polangui na pawang sa katimugang direksyon ng Mayon volcano.

Kaugnay nito, pinayu­han ni Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) Director Cedric Daep ang mga residente na gamitin ang ipinama­haging mga masks bilang pananggalang sa masa­mang epekto ng ashfall sa kalusugan ng tao.

Ayon sa NDCC, 45 mga paaralan sa Albay ang gagamiting evacuation centers kabilang ang 11 sa Legazpi City, 6 sa Ligao City at 7 pa sa Tabaco City habang ang 21 iba pa ay sa iba pang panig ng lalawigan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa kasalukuyan ay nasa 9,428 pamilya o mahigit sa 45,000 libong mga indibidwal na ang nailikas at pansamanta­lang nanunuluyan sa may 27 evacuation centers sa lalawigan.

Aabot naman sa 16,000 pamilya o kabuuang 72, 858 katao mula sa 26 barangay sa southeast quadrant ng bulkan ang target ilikas.

Samantala, lalo pang tumindi ang naramdamang volcanic earthquakes ni­tong Martes ng umaga habang patuloy na guma­gapang pababa ang lava sa direksyon ng Bonga-Buyuan, Miisi at Lidong Gullies.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: