PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pulitika wala pa sa isip ni Pacquiao

Iginiit kahapon ni Manny Pacquiao na isinasantabi muna niya ang pulitika bagkus ay itutuon ang kanyang pansin at panahon sa kanyang boxing career.

Sinabi ni Pacquiao sa mga Malacanang reporters matapos ang kanyang courtesy call kay Pangulong Arroyo, naka-concentrate siya ngayon sa kanyang boxing career kung saan paghahandaan na rin niya ang kanyang susunod na laban sa Marso 2009 kay Floyd Mayweather Jr.

Wika pa ni Pacman, ang kahilingan din niya sa kanyang kaarawan sa darating na Disyembr 17 ay sana matamo na ng bansa ang tunay na pagkakaisa at kapayapaan.

“Ang wish ko sa birthday ko ay magkaisa na ang lahat ng Filipino at magkaroon na ng kapayapaan,” paliwanag pa ni Pacman.

Kasama ni Pacman na dumating sa Malacanang sina DENR Sec. Lito Atienza, National Security Deputy Director Chavit Singson at ang buong Team Pacquiao. (Rudy Andal)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: