Back to Top
Bagong mayorya ng Senado di rin magtatagal - Pimentel
Ni JOY CANTOS () - November 19, 2008 - 12:00am

Naniniwala si Sen Aqui­lino Pimentel Jr. na hindi magtatagal at mabubuwag din ang komposisyon ng mayorya ng Senado na nabago nang mapatalsik sa posisyon si Senate Pre­sident Manny Villar.

Inilarawan ni Pimentel ang bagong mayorya bi­lang “worst than halo-halo” dahil magkakaiba umano ang paninindigan ng mga ito at magkakaiba ang pinaniniwalaan.

Katulad ng halo-halo, madali anyang mapapanis at matutunaw ang bagong mayorya ngayon na kinabi­bilangan ng ilang senador mula sa oposisyon at mga senador na kilalang kaal­yado ng Malacañang.

Nanindigan din si Pi­mentel na mananatili siya sa minorya at hindi siya puwedeng umayon kay Senate President Juan Ponce Enrile dahil mag­ka­iba sila sa maraming isyu at posisyon.

Pero nilinaw din ni Pi­mentel na buo ang suporta niya kay Enrile bagaman at hindi rin mawala sa kan­yang isipan na ang bagong pinuno ng Senado ay kaalyado ng Palasyo.

Sinabi ni Pimentel na ayaw niyang matawag na taga-suporta ng Malakan­yang.

Samantala, muling na­kuha ni Sen. Jose “Jing­goy” Estrada ang kanyang po­ sis­yon bilang Senate Pro-tempore samantalang na­luklok naman bilang ba­gong majority floor leader si Sen. Juan Miguel Zubiri na dating hina­hawakan ni Sen. Francis “Kiko” Pangi­linan.

Bagaman hindi pa por­mal, napapabalitang si Sen. Panfilo Lacson ang ha­­ha­wak sa accounts ng Senado, samantalang kay Sen. Richard Gordon ma­pupunta ang Blue Ribbon committee.

Si Sen. Edgardo Anga­ra ang itatalaga sa Finance committee na dating ha­wak ni Enrile. Si Sen. Loren Le­garda naman umano ang ita­talaga sa agriculture committee na da­ting kay Angara.

Inire-reserve naman kay Pimentel ang committee on foreign relations at constitutional amend­mends.

Bagaman at kilalang kakampi ng administra­yong Arroyo, pormal na nagpahayag kahapon si Sen. Lito Lapid na sasapi sa bagong minorya kabi­lang na sina Pangilinan, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Pia Cayetano at Sen. Joker Arroyo.

Maging si Sen. Antonio Trillanes IV ay nagpaha­yag na mananatili siya sa minorya.

Sa Lunes na posibleng maging pormal ang pag­kakatalaga ng mga chairman ng komite at pinaplan­tsa pa rin ito sa nga­yon.

Wala pa namang balita kung anong komite ang ibibigay kay Sen. Manny Villar na hindi sumipot sa sesyon kahapon.

ALAN PETER CAYETANO ANTONIO TRILLANES BAGAMAN BLUE RIBBON EDGARDO ANGA MANNY VILLAR SEN SENADO SHY SI SEN
  • Latest
  • Trending
  • Recommended
Trending
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with