^

Bansa

Chairman ng bangko, nakaligtas sa ambush

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  , Philippines  —  Mahigpit ang pagbabantay na isinasagawa ng mga awtoridad sa isang opisyal ng bangko matapos makaligtas sa isang pag-ambush ng mga hindi pa natutukoy na mga suspek sa Cabatuan, Isabela, kamakailan.

Nakilala ng pulisya ang biktima na si Erwin Tabucol, 54, Chairman of the board ng Fico Bank at residente ng San Rafael, Roxas, Isabela.

Batay sa naantalang ulat sa pulisya, naganap ang pamamaril sa biktima nitong Sabado ng gabi habang sakay sa kanyang Chevrolet na pauwi sa kanilang bayan.

Sugatan man sa leeg, kamay at braso ang biktima matapos umano siyang ratratin ng mga suspek ay nagawa pa rin nitong makapagmaneho patakas sa mga salarin hanggang sa marating ang himpilan ng pulisya kung saan siya nagpasaklolo.

Sa talaan ng pulisya, si Tabucol ang ika-apat na opisyal ng nasabing bangko sa Isabela na biktima ng pamamaril.

Nitong Disyembre 2017 ay pinagbabaril at napatay ng mga salarin ang Security officer ng parehong bangko  na si Jimmy Padernilia  habang sakay ng SUV  pauwi sa kanilang bahay sa Marabulig I, Cauayan City.

Disyembre rin ng 2015 nang ratratin naman at mapatay din sa kanyang mismong bakuran si Herminio Ocampo na dating presidente ng nasa­bing bangko.

Noong Oktubre 2011 naman ay tinambangan sa Alicia, Isabela  si Mr. Johnson Pascual, branch ma­nager ng Fico Bank sa Maddela, Quirino habang lulan naman ng kanyang sasakyang patungo sa kanilang corporate office sa Minante 1, Cauayan City para sa kanilang meeting.

Pinag-aaralan ngayon ng pulisya ang posibleng koneksyon at dahilan ng mga serye nang pagligpit sa mga opisyal ng nasabing bangko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with