^

Bansa

Bank manager, kritikal sa ambush

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Nasa kritikal na kalagayan ngayon sa isang pagamutan ang isang branch manager ng kilalang banko matapos siyang tambangan dakong alas-9:00 ng gabi habang pauwi sakay ng kanyang SUV sa Brgy. Luzon, Cabatuan, Isabela noong Biyernes ng gabi.  Sa report ni Sr. Insp. Prospero Agonoy, hepe ng PNP Cabatuan, nagawa pa ni Erwin Tabucol, 54, na imaneho sa himpilan ng pulisya ang kanyang Chevrolet Xtrail SUV (AAV-258) matapos ratratin ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo at isang pulang Toyota Innova. 

Isinugod si Tabucol sa isang pribadong hospital sa Cauayan City kung saan siya inoobserbahan sa mga tama ng balang natamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Tinitingnan ng pulisya kung may kaugnayan sa trabaho ang motibo sa pana-nambang dahil pang-apat na si Tabucol sa mga opisyal ng banko na nakabase sa Cauayan City na biktima ng pamamaril mula pa noong 2012.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with