2 Chinese huling nandadaya sa casino, arestado
MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang Chinese nationals dahil sa paglabag sa Republic Act 8484 (Access Device Regulation Act of 1998) kamakalawa ng gabi sa isang casino hotel sa Parañaque City.
Kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Chang Wei-Ching at Lin Hsiu-I.
Sa imbestigasyon ng Parañaque City Police, naganap ang insidente alas-10:48 ng gabi sa isang casino hotel sa Aseana Entertainment City, Brgy Tambo, ng naturang lungsod.
Unang naispatan ang mga suspect sa CCTV camera na nandadaya sa casino gamit ang access device at electronic gadget dahilan upang arestuhin ang mga ito ng mga naka-duty na guwardya at dalhin sa Parañaque City Police.
- Latest