^

Bansa

Dalawang kapulungan ang Kongreso

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

Ping kay Alvarez

MANILA, Philippines — Ipinaalala kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson kay House Speaker Pantaleon Alvarez na ang Kongreso ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang kapulungan o bicameral system.

 Paalala pa ni Lacson, hindi maaring makapagpasa ng batas o magdesisyong mag-isa ang isang chamber para sa buong Kongreso.

Ang paalala ni Lacson kay Alvarez ay dinaan sa pamamagitan ng kanyang opisyal na Twitter account.

 Hindi aniya maaring maipasa ang isang batas tungkol sa budget o kahit na anong panukala lalo na ang pag-amiyenda sa Konstitusyon kung hindi dumadaan sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Nauna ng sinabi ni Alvarez na maaring maging isang constituent assembly ang House of Representatives at amiyendahan ang 1987 Constitution kahit pa hindi kasali ang Senado.

 Matatandaan na nagkasundo ang mga senador na huwag sumali sa joint session sa Kamara para maging constituent assembly na ang layunin ay amiyendahan ang Saligang Batas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with