^

Bansa

VP Leni ‘di pabor sa Cha-cha

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pabor si Vice President Leni Robredo sa pagpasa ng bagong Konstitusyon o charter change na pakikinabangan lamang umano ng mga nagpasa nito.

Dapat umanong hindi makinabang ang kasalukuyang opisyal tulad niya sa anuman umanong rebisyon sa 1987 Constitution gaya ng panukalang pagtanggal sa taon ng termino o pagpapalawig sa liderato, ani Robredo sa mga mamamahayag nang magdaos ito ng outreach activity sa Muntinlupa.

Ayon pa sa bise presidente, kapag naipasa ang bagong Saligang Batas ay papahintulutan ang dagdag na term limits o maaaring hindi na magdaos ng halalan at hindi ito magandang impresyon sa mamamayan dahil lilitaw ginawa lang ang gayon upang makinabang ang mga incumbents na katulad niya.  Dahil kung meron man umanong dapat na makinabang ay hindi sila na mga halal kundi ang mga susunod na mahahalal.

Kasalukuyang isinasagawa ng House constitutional amendments committee ang pag-draft sa bagong Konstitusyon bilang bahagi ng isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na paglilipat sa pederalismo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with