^

Bansa

Chacha tuloy sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Chacha tuloy sa Kamara

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, kahit si Senate President Koko Pimentel lang ang sumama sa kanila ay magagawa nila ang pagbabago ng Konstitusyon.  

Boy Santos

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin ang Kamara sa kanilang Charter Change (ChaCha) sa pamamagitan ng Consti­tuent Assembly o ConAss kahit walang sumaling senador.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, kahit si Senate President Koko Pimentel lang ang sumama sa kanila ay magagawa nila ang pagbabago ng Konstitusyon.

Iginiit pa ni Alvarez na basta kaya ng Kamara ng tugunan ang bilang na kailangan para sa 3/4 votes ng buong kongreso para gawin ang Chacha ay walang sagabal dito.

Nilinaw pa ng lider ng Kamara na nirerespeto nito ang paniniwala ng mga senador na separate voting sa Chacha subalit sa kanya namang paniniwala ay joint voting ang tinatakda ng saligang batas dahil three fourth ng mga miyembro ng Congress ang nakasaad dito.

Sakaling ituloy umano nila ang Chacha via ConAss na walang mga senador ay nandiyan naman ang Korte Suprema para magdesisyon kung tama sila o mali.

Binalewala rin ni Alvarez na tototohanin ang banta na papatalsikin o ie-expel sa Senado ang mga senador kung dadalo sila sa Kamara para makiisa sa ConAss.

Para sa kanya, wala silang magagawa kung ganito ang desisyon ng ilang senador subalit hindi niya masasabi kung talagang maisasakatuparan ang nasabing banta sa mga senador na sasama sa ConAss.

Kinuwestyon din ni Alvarez, kung paano mapapatalsik ang senador na makikipag-ConAss sa Kamara gayung halal sila ng bayan at hindi ground for expulsion ang pagsali sa ConAss.

Paliwanag niya, constitutional duty nilang mga mambabatas ang magtrabaho bilang ConAss at kung legal naman ang pag-convene ng assembly ay walang ibang dahilan para pigilan ang sinumang senador na gustong sumali rito.

Nilinaw naman ni Alvarez na sa ngayon ay wala pa siyang nakakausap na senador na sumusuporta at gustong lumahok sa ConAss.

Masyado pa umanong maaga sa ngayon subalit naniniwala siyang wala ni isa man sa 22 senador ang pabor sa ConAss.

vuukle comment

CHARTER CHANGE

HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with