^

Bansa

ConCon na lang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat idaan na lamang sa Constitutional Convention (Concon) ang pagrebisa sa Konstitusyon at isabay sa 2019 elections sa halip na Constitional Assembly o ConAss.

Sinabi ni House Deputy Minority Leader Lito  Atienza na hindi na dapat mag-aksaya ng panahon ang Kamara na igiit ang ConAss dahil mas marami ang pabor sa ConCon kabilang na rito si Pangulong Duterte at kung pagbabatayan umano ang rekord ng Kamara ay mas marami ang sang-ayon na baguhin ang Saligang Batas sa pamamagitan ng paghalal ng mga delegado na eksperto sa batas.

Paliwanag pa ni Atienza na kung ang gastos  sa ConCon ang siyang alalahanin ng House Leadership kaya mas pinapaboran nito ang ConAss ay hindi ito ang dapat na maging sukatan.

Ang gagastusin umano sa ConCon ay sensible investment para sa kinabukasan ng mga kabataan at mga susunod na henerasyon kaya hindi ito dapat isipin ng liderato ng Kamara. Bukod dito ito rin umano ang kauna-unahang pagkakataon matapos ang 30 taon na babaguhin ang Konstitusyon.

Idinagdag pa ng kongresista na sa mga nagdaang panahon natutuloy ang Charter Change dahil sa pagtutol ng publiko sa ConAss dahil takot silang ilagay sa kamay ng mga mambabatas ang mga pagbabago sa Konstitusyon na maaaring ang ilan ay self serving lamang.

Sa ilalim ng ConCon, ang taumbayan ang siyang magluluklok ng mga kinatawan na magrerekomenda ng pagbabago sa saligang batas habang sa ConAss ay ang Kongreso ang siyang mag-aamyenda ng Konstitusyon.

Sa parehong paraan ay nangangailangan na magkaroon ng referendum kung saan boboto ang taumbayan kung sang-ayon ito sa mga pagbabagong gagawin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with