^

Bansa

Mandaluyong shootout: Homicide case isinampa sa kinakasama ng napatay na babae

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagharap ng kasong homicide sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office ang lalaking kinakasama ng isang babaeng napatay sa Mandaluyong shooting incident kamakailan.

Si Eliseo Aluad Jr., 37, ng Welfareville Compound, ay kinasuhan ng Eastern Police District-Special Investigation Task Group-Shaw (EPD-SITG), kahit pa kasama rin siya at lulan din ng van na pinaputukan ng pulisya at mga barangay tanod, at nasugatan din sa nasabing insidente.

Ang pagsasampa ng kaso ay bunsod ng  lumitaw sa imbestigasyon ng task force at sa pahayag na rin ng ilang saksi, na ang tama ng bala na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang live-in partner na si Jonalyn Amba-an, 35, ay kagagawan mismo ni Aluad.

Sa imbestigasyon, lumitaw na bago ang nangya­ring pamamaril, ay nagkaroon umano ng alitan sa pagitan ni Aluad at ng isang grupo ng mga lalaki sa Brgy.Wack-wack, na nauwi sa pagpapaputok nito ng baril noong Disyembre 28, 2017.

Sinasabing sinubukan ni Amba-an na pigilan si Aluad ngunit pumutok ang kanyang baril at tinamaan ang biktima, sanhi upang isugod nila ito sa pagamutan.

Gayunman, may mga nagsabi umano sa mga barangay tanod at mga pulis na ang sinasakyan nilang van ang sinakyan ng mga bumaril sa kanya kaya’t pinaulanan nila ito ng bala.

Ayon sa task group, lumabas din sa resulta ng imbestigasyon ng Scene of the Crime Operation na mayroong tattooing mark ang biktima sa pisngi na indikasyon na binaril ito nang malapitan at hindi galing sa mga pulis ang balang pumatay sa kanya.

Una nang sinampahan ng kaso ang 10 pulis at tatlong barangay tanod na sangkot sa pamamaril sa van.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with