PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Baril sa Caloocan shooting ninakaw umano sa pulis

MANILA, Philippines —  Isang pulis-Tondo ang lumutang kahapon upang i-report ang nawawala niyang service firearm.

Isang PO1 na tumangging magpakilala ang dumulog sa Caloocan City police station upang ihain ang kaniyang affidavit of loss ng kaniyang Glock service firearm.

Ninakaw umano ang kaniyang baril nitong Disyembre 10 habang natutulog siya.

Nasakote ang isang Isagani Ancheta sa Caloocan nitong kamakalawa dahil sa pagpapaputok ng 9mm Glock kung saan dalawang bata ang tinamaan.

Sinabi ng hepe ng Caloocan Police na si Senior Superintendent Jemar Modequillo na susuriin pa nila ang baril na ginamit ni Ancheta upang malaman kung ito ang nawawalang baril ng PO1.

Ipadadala sa crime laboratory ang baril na burado ang serial number.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sinabi ni Modequilo na kung ito nga ang nawawalang baril ay hindi naman pananagutin ang pulis.

"What would her liability be if it was stolen from her?" sabi ng hepe.

Nanonood ng fireworks display sina Princess Denise Cruzat at Joven Earl Gaces nang tamaan ng bala.

Tumama muna sa braso ni Gaces ang bala na tumagos din sa kaniyang atay bago pa man tumama sa tiyan ni Cruzat.

Natanggal na naman ang bala sa tiyan ni Cruzat at kasalukuyang nagpapagaling sa intensive Care Unit ng Tondo General Hospital.

Nahaharap sa kasong frustrated murder at illegal possession of firearm si Ancheta na may hinahabol na kaaway kaya namaril.

May hiwalay pang kasong illegal drug possession si Ancheta na nakuhaan ng shabu nang masakote ng mga awtoridad.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: