PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Signal No. 1 sa 7 lugar kay Agaton

MANILA, Philippines — Pitong lugar pa rin ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 dahil sa bagyong “Agaton.”

Huling namataan si Agaton sa 170 kilometro kanluran ng Dumaguete City, Negros Oriental kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay ng unang bagyo ngayong taon ang lakas na 55 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 90 kph habang gumagalaw pa kanluran sa bilis na 28 kph.

Nakataas ang Signal No. 1 sa mga susunod na lugar:

Palawan including Cuyo Island

Bohol

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Guimaras

Negros Oriental

Negros Occidental

Southern Antique

Southern Iloilo

Agaton made landfall five times since 1:00 a.m. of Tuesday over the following areas:

Socorro, Surigao del Norte

Claver, Surigao del Norte

Jagna, Bohol

Santander, Cebu

Bais City, Negros Oriental

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility si Agaton bukas ng hapon ngunit daraan muna ito sa hilaga-kanluran ng Puerto Princesa City sa Palawan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: