PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bagong Taon, bagong bagyo: Signal No. 1 sa 18 lugar

MANILA, Philippines — Isinailalim sa tropical storm warning signal number one ang 18 lugar ngayong Lunes matapos maging ganap na bagyo na ang low pressure area sa Surigao del Sur.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyong “Agaton” sa 175 kilometro silangan hilaga-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang alas-4 ng hapon.

Taglay ni Agaton ang lakas na 45 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 175 kph.

Gumagalaw ang unang bagyo ngayong 2018 pa-kanluran sa bilis na 19 kph.

Inaasahang tatama sa kalupaan ng Caraga ang bagyo ngayong gabi o bukas ng umaga.

Nakataas ang signal number one sa mga sumusunod na lugar:

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Surigao del Norte
  • Siargao Island
  • Surigao del Sur
  • Dinagat Island
  • Agusan del Norte
  • Agusan del Sur
  • Davao Oriental
  • Davao del Norte
  • Davao del Sur
  • North Cotabato
  • Compostela Valley
  • Misamis Occidental
  • Misamis Oriental
  • Lanao del Norte
  • Lanao del Sur
  • Camiguin
  • Bukidnon
  • Southern Leyte

Sa Huwebes pa inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: