^

Bansa

DOH nag-inspeksyon sa mga ospital sa Metro Manila

Pilipino Star Ngayon
DOH nag-inspeksyon sa mga ospital sa Metro Manila

Ipinakita ni Health Usec. Gerardo Bayudo kasama si UST cardiologist Marcel Ramirez ang isang bone cutter na kabilang sa mga surgical tools na ginamit sa mga biktima ng mga paputok sa isinagawang “Iwas Paputok” campaign at hospital rounds na pina­ngunahan ng Department of Health sa UST Hospital bilang paghahanda sa selebrasyon ng darating na Bagong Taon, 2018. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Upang mas mapa­igting ang kampanyang “Oplan Iwas Paputok”, ay nagsimula nang bisitahin at inspeks­yunin ng Department of Health ang mga ospital sa Metro Manila upang tikayakin ang kani-kanilang kahandaan para sa nalalapit na Bagong Taon kung saan marami pa rin ang nagiging biktima ng mga paputok.

Unang binisita ng mga opisyal ng DOH ang Rizal Medical Cen­ter sa Pasig na susundan ng pagtu­ngo sa Quirino Medical Center sa Quezon City at saka didiretso sa UST Hospital.

Inanunsyo ng DOH na target nila ngayong taon ang zero o mas maliit na bilang ng casualties o injuries na dulot ng paputok.

Aniya, may mga designated na lugar na maaaring pagdausan ng pagpapaputok upang mas ligtas ang publiko.

Maaari namang gunitain ang Pasko at Bagong Taon nang payapa at mas mabuting isapuso ang okasyon.

Matatandaang nagpalabas ng Executive Order 28 si Pangulong Rodrigo Duterte na kumokontrol sa paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with