^

Bansa

31 na patay kay ‘Urduja’

Pilipino Star Ngayon
31 na patay kay �Urduja�

File photo

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 31 katao ang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong “Urduja,” ayon sa Malacañang ngayong Lunes.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na nagmula ang naturang bilang sa Department of the Interior and Local Government.

Pinakamaraming nasawi sa Biliran na 23 katao, habang lima sa Leyte, dalawa sa Samar at isa sa Eastern Samar.

Bukod sa mga nasawi, 49 na katao naman ang nawawala, kung saan 33 dito ay mula sa Biliran.

Nasa 62,309 na pamilya o 270,707 katao ang apektado ng bagyo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na handa silang tumulong sa relief operations lalo na’t nasira ang tulay na nagdudugtong sa Biliran Island at Leyte.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo bukas matapos ang anim na pag-landfall, kabilang ang huli sa Palawan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with