^

Bansa

Eastern Visayas patuloy na uulanin

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na uulanin ang  Eastern Visayas dahil sa Bagyong Urduja.

Ala-1 ng hapon kahapon, ang sentro ni Urduja ay nama­taan ng Pag Asa sa layong 230 kilometro ng silangan ng Borongan City Eastern Samar taglay  ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 90 kilometro bawat oras.

Ang naturang bagyo ay kumikilos sa bilis na 5 kilometro bawat oras pa hilagang kanluran ng ating bansa.

Bunsod nito, nakataas ang Signal No. 2 sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Biliran at signal number 1 naman  sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Romblon, at Masbate kasama na ang Burias at Ticao Islands sa Luzon gayundin sa Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu, Capiz, Aklan, at Northern Iloilo sa Visayas at Dinagat Islands sa Mindanao.

Inaasahan na magla-landfall ngayong Sabado ng umaga o hapon ang bagyong Urduja sa northern Samar-Eastern Samar area.

Bunga nito, kalat-kalat na pag-ulan ang patuloy na mararanasan sa buong Eastern Visayas at Caraga gayundin sa Bicol region at nalalabing bahagi ng Visayas kayat pinapayuhan ang mga residente dito na mag-ingat at magsipaghanda sa banta ng landslides at flashfloods. Katamtaman hanggang sa maalon ang karagatan sa eastern seaboards ng Bicol region at Visayas kayat pinapayuhan ang mga bangka na huwag maglalayag habang masama pa ang panahon.

Ngayong Sabado, si Urduja ay inaasahang nasa layong 125 kilometro ng hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar at sa Linggo ay nasa bisinidad ng Silvino Lobos, Northern Samar habang sa Lunes, inaasahan ito na nasa layong 65 kilometro ng hilaga ng Cuyo, Palawan at mananatili sa Puerto Princesa, Palawan sa Martes at Miyerkules ng susunod na linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with