^

Bansa

Martial Law sa Luzon, Visayas hirit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Martial Law sa Luzon, Visayas hirit

Ayon kay Abubakar Tan, na kung maganda para sa Mindanao ang batas militar, maaring maganda rin ito para sa Luzon at Visayas. Andy G. Zapata Jr., File

MANILA, Philippines — Hiniling ni Kusug Tausug Rep. Shernee Abubakar Tan sa joint session ng Senado at Kamara ang pagdeklara ng martial law sa buong bansa.

Ayon kay Abubakar Tan, na kung maganda para sa Mindanao ang batas militar, maaring maganda rin ito para sa Luzon at Visayas.

Iginiit pa ng kongresista na hindi limitado lamang sa Mindanao ang posibilidad na umatake ang New People’s Army (NPA), bagkus maging sa dalawang rehiyon din umano ng bansa.

Magugunita na isa ang patuloy na recruitment ng NPA sa Mindanao sa mga dahilan ni Pangulong Duterte kung bakit kailangan palawigin ang batas militar doon.

Subalit mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana, martial law administrator, na rin ang siyang tumutol sa apelang ito ni Tan.

Paliwanag ni Lorenzana, “manageable” pa rin naman ang mga aktibidad ng CPP-NPA sa Visayas at Luzon kaya hindi raw niya nakikita ang kahalagahan na isailalim ang buong bansa sa martial law dahil dito.

Kaugnay nito, sinabi ni Vice Pres. Leni Robredo na kailangang matiyak na hindi maaabuso ang hiling ni Pangulong Duterte na isang taong ekstensyon ng Batas Militar sa Mindanao.

Umapela rin ito sa administrasyon na magsumite ng kongkretong plano sa Kongreso hinggil sa kung ano ang gagawin nito sa panahon ng hinihiling na ekstensyon.

Tiwala si Robredo sa assessment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense (DND), sa pamumuno ni Secretary Delfin Lorenzana hinggil sa security situation sa Mindanao.

“We trust the AFP’s, we trust the DND’s and Sec. Lorenzana’s assessment on what we need to do to secure Marawi, to secure Mindanao,” ani Robredo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with