^

Bansa

De Lima at Gascon, mga ipokrito! - Roque

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ng opisyal ng Malacañang na ipokrito sina Sen. Leila de Lima at CHR chairman Chito Gascon nang iugnay ang anti-illegal drug war ng gobyerno sa extrajudicial killings.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ito ay sa harap ng pagkakasama nina De Lima at Gascon bilang mga signatories sa Administrative Order No. 35 na lumilikha sa “Inter-agency on Extra Legal Killings, Enforced Disappearances, Torture and other Grave Violations of the Right to Life, Liberty and Security of Persons.”

Ipinunto ni Roque na bilang signatories, nangangahulugan lang ito na kapwa sumasang-ayon sina Sen. De Lima at Gascon sa pinirmahang AO noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino lll na maituturing na EJK ang isang kaso ng pagpatay kung ang biktima ay miyembro o konektado sa isang organisasyon na ang adbokasiya ay may kinalaman sa environmental cause, isang media practitioner,  gayundin ang mga may koneksiyon sa political, agrarian at labor organization.

Buwelta ni Roque, bakit kapag isang drug pusher o user ang napapatay, agad na  itinuturing ni De Lima at Gascon ang mga ito bilang kaso ng EJK, gayung hindi naman kabilang ang mga nasa iligal na droga sa anumang political o environmental group.

Kung naniniwala aniya ang dalawa na ang mga nasasawi sa anti-drug operations ay kaso ng EJK, dapat nilang aminin na mali ang Administrative Order 35 na nilagdaan ni Aquino kung saan, pareho pa sila sa mga signatories.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with