SSS pensioners may 13th month na
MANILA, Philippines — May mahigit sa 2.2 milyong pensiyonado ng Social Security System (SSS) ang nakatanggap na ng kanilang 13th month at pensiyon para sa buwan ng Disyembre.
Ayon sa kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc, ipinasok na sa mga bangko ang pondo para sa 13th month at December pension simula pa noong Nobyembre 15 upang bigyan sila ng sapat na panahon na ipasok sa bank account ng mga pensiyonado ang kanilang dalawang buwang pensiyon. Ilan sa mga bangko ay nakapagbigay na ng 13th month at December pension simula noong Nob. 15.
- Latest