^

Bansa

ASEAN Summit 2017 tagumpay, seguridad pinuri ng head of states

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humanga at pinuri ng mga head of states ang mahigpit na seguridad na inilatag ng ASEAN Security Task Force kaugnay ng idinaos na 3-araw na ASEAN Summit 2017 sa bansa partikular sa Metro Manila at Clarkfield, Pampanga.

Ito ang inihayag kahapon ni ASEAN Committee on Security, Peace and Order and Emergency Preparedness and Response (CSPOEPR)at Interior and Local Government Officer-in-Charge Catalino Cuy .

Ayon kay Cuy, base sa natanggap niyang mga papuri ay kuntento ang mga delegado sa inilatag nilang seguridad para matiyak ang kaligtasan ng mga lider ng mga bansa, mga delegado at VIP’s na dumalo sa ASEAN Summit 2017.

Idineklara ng ASEAN Committee on Security  Peace and Order and Emergency Preparedness and Response (CSPOEPR) sa ginanap na press briefing sa Multi-Agency Coordinating Committee (MACC) sa Esplanade, SM Mall of Asia sa Pasay City kahapon na matagum­pay ang idinaos na 31st ASEAN Summit sa bansa.

Ang ASEAN 2017 Task Force ay pinangu­ngunahan ng PNP-Civil Disturbance Management (CDM) contingents, AFP at iba pang mga task force multipliers na aabot sa 60,000 ang bilang na idineploy sa mga istratehikong lugar sa mga billeting area, highway at pinagdausan ng events saka iba pang mga pagpupulong sa Metro Manila; Clarkfield, Pampanga at ilan pang bahagi ng Southern Luzon.

“We have successfully performed our duty with “zero incident” as we have clearly envisioned and planned,” ani Cuy.

Sinabi ni Cuy na na­ging maayos ang panga­ngalaga sa seguridad sa mahigit 20 heads of states gayundin sa mga delegado at mga VIPs na dumalo sa okasyon.

Kasabay nito, nagpa­salamat si Cuy sa publiko sa pakikiisa sa ASEAN Security Task Force na iniwasan ang “lockdown areas” at mga pangunahing lansangan na dinaanan ng convoy ng mga delegado.

Pinuri at pinasalama­tan pa ni Cuy ang CDM contingents sa pagpapatupad ng seguridad sa ASEAN Summit bagama’t may nasugatang 28 pulis sa pagkontrol ng mga bayolenteng raliyista noong Lunes sa Padre Faura, Maynila habang nasa 50 pulis pa ang nasugatan kasama ang mga raliyista noong Linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with