^

Bansa

521 NPA rebels sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Simula nang itigil ang peace nego

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 521 miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan simula ng ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace negotiations sa hanay ng komunistang grupo noong Pebrero 4 ng taong ito hanggang sa kasalukuyan, ayon sa opisyal ng militar kahapon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo patunay lamang ito na napagtatanto na ng mga rebelde na mali ang ideolohiyang kanilang ipinaglalaban at nais na ng mga itong magbagumbuhay lalo na ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan para makapiling ang kanilang mga pamilya.

Sinabi ni Arevalo na kabilang sa mga nagsi­suko ay 18 NPA members na nagsurender din ng kanilang mga armas. Isa sa mga sumukong rebelde ay si Joel Embos alyas “Ka Jojo” na tatlong armas ang isinuko sa 36th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army sa Surigao del Sur noong Nobyembre 3.

Samantalang , 8 namang kasapi ng Guerilla Front (GF) 73 ang sumuko bitbit ang kanilang mga armas sa Army’s 33rd IB sa Sultan Kudarat noong Undas .

Isa rin sa mga sumurender ay ang 16-anyos na si KerKer Saling Bangon alyas “Tarzan” na boluntar­yong nagbalik-loob sa Army’s 27th IB sa T’boli, South Cotabato. Isinuko rin nito ang isang 9 MM Thomgram machine pistol.

Samantalang simula rin nang ipatigil ng Pangulong Duterte ang peace negotiations sa CPP-NDF-NPA ay  nasa 736 NPA ang na-neutra­lisa ng tropang gobyerno kabilang dito ang 521 sumuko, 121 ang napatay sa combat operations at 94 naman ang  naaresto.

Ang operasyon ay nagresulta rin sa pagkakasamsam ng 578 malalakas at mahihinang kalibre ng mga armas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with