^

Bansa

Proclamation 332 nilinaw ng Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Proclamation 332 nilinaw ng Malacañang

Sa inilabas na statement ni Communications Secretary Martin Anda­nar, sinabi nito na walang pasok sa mga nasabing lugar sa lahat ng pribado o pampublikong tanggapan. Ace Morandante/Presidential Photo, File

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Malacañang ang Proclamation 332 na nagdedekalara sa Nobyembre 13 hanggang 15 na walang pasok sa National Capital Region, Bulacan at Pampanga.

Sa inilabas na statement ni Communications Secretary Martin Anda­nar, sinabi nito na walang pasok sa mga nasabing lugar sa lahat ng pribado o pampublikong tanggapan.

Suspendido rin ang klase sa pribado at pampublikong paaralan sa lahat ng levels sa mga nabanggit na lugar.

Ayon kay Andanar, ipinalabas ang proclamation dahil na rin sa gagawing 31st ASEAN Summit at iba pang meetings ng mga bansang kasapi sa ASEAN.

“Per the Office of the Executive Secretary, there is no work in both private and public offices. Classes in both public and private schools in all levels are also suspended,” paglilinaw ng tanggapan ni Andanar.

Samantala, maging ang Department of Labor and Employment (DoLE) ay nagpaalala sa mga employers sa pribadong sektor tungkol sa tamang pagbibigay ng sahod sa kanilang mga empleyado sa Nobyembre 13-15.

Ayon sa DoLE, ang mga magta-trabaho o papasok sa mga nabanggit na araw na idineklarang walang pasok ng Malacañang ay dapat makatanggap ng 30 porsiyento ng kanilang arawang sahod sa unang walong oras ng pagtata-trabaho at karagdagan ding 30 porsiyento ng kanilang hourly rate kung mag-o-overtime.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with