^

Bansa

125 patay sa tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa loob lang ng 26 araw o mahigit tatlong linggo ay 125 katao na ang pinatay ng riding-in-tandem criminals, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) Chief P/Director Augusto Marquez Jr., na mula Oktubre 10 hanggang Nobyembre 5 ng taong ito ay nasa 363 ang biktima ng tandem criminals, 125 dito ang napatay, 55 ang nasugatan habang 183 ang nakaligtas.

Lumilitaw na robbery o pagnanakaw ang pa­ngunahing motibo ng Motorcycle Riding Suspects (MRS) sa naitalang 115 insidente sa loob ng nakalipas na 26 araw.

Ayon pa kay Marquez, nasa 64 MRS ang nasakote habang 380 pa ang tinutugis.

Nasa 93 insidente naman ng pamamaril ang kinasangkutan ng mga suspek at tatlong insidente ng pananaksak.

Sa tala ng Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS) ng PNP-DIDM, sa kabuuang bilang ng mga kasong kinasangkutan ng MRS, 15 dito ang nalinis na ng mga awtoridad, 45 ang nalutas at 267 ang patuloy na iniimbestigahan.

Lumilitaw naman na 10 sa kabuuang mga insidente ang may kinalaman sa droga. Bukod dito ang iba pang motibo ay robbery sa naitalang 115 kaso; 96 murder, 34 physical injuries ; 25 homicide; 15 carnapping at theft 19.

Sinabi pa ni Marquez na karamihan sa mga insidente ng MRS ay naganap sa Metro Manila (49), Calabarzon (37), Region 3 (34) at Region 12 (32).

“These are incidents wherein motorcycles or scooters are used in the commission of a crime or to ensure a quick escape of the scene of the crime after its commission, as victims died, injured, or unharmed as a result thereof,” anang opisyal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with