^

Bansa

Sunog sa QC: 1 utas, 1 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang binata habang sugatan naman ang ina nito matapos ma-trap sa nasunog nilang tahanan sa Commonwealth Avenue, Quezon City, kamaka-lawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na  si  John Paul Uanan, 23, nakatira sa Steve St., Brgy. Commonwelth Ave., Quezon City.

Nasugatan naman si Joselyn Uanan, ina ng biktima na nagtamo ng minor injury sa katawan.

Nabatid mula kay Fire Inspector Rosendo Cabillan ng Bureu of Fire Protection (BFP) sa Quezon City na dakong alas-4:31 ng hapon nang maganap ang sunog.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, sa kusina ng pamilyang Uanan nagsi­mula ang apoy sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Natutulog umano ang biktima noong maganap ang sunog, pero malaki na ang apoy nang gumising kaya na-trap na ito. Nakita   ang kanyang bangkay sa hall way ng kanilang tahanan.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog at tumagal ng 20-minuto bago tuluyang naapula.

Sa ngayon ay nagsa­sagawa pa nang masu-sing imbestigasyon ang mga kagawad ng BFP sa Quezon City para mabatid kung ano  ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng ari-arian na natupok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with