Ebidensya vs Bautista hawak na ng Kamara
MANILA, Philippines — Isinumite na sa House Committee on Justice ang mga dokumento na mula sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) na ebidensiyang magagamit sa impeachment complaint ni Comelec Chairman Andres Bautista.
Ang naturang mga dokumento ay dinala sa tanggapan ng Secretariat ng Justice Committee ni Atty. Manny Luna, ang legal counsel ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).
Nauna nang ibinigay ang mga dokumento ng VACC kay dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras na isa sa nagsampa ng impeachment complaint kay Bautista sa Kamara. Ito ay resulta ng isinagawang panloob na imbestigasyon ng PCGG sa diumano’y mga katiwalian ni Bautista noong siya pa ang chairman ng nasabing komisyon.
- Latest