^

Bansa

78K bakwit makakauwi na sa Marawi sa Disyembre

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Rehab sisimulan

MANILA, Philippines — Bago mag-Pasko ay makakauwi na ang nasa 78,000 bakwit sa kanilang mga tahanan sa Marawi City na winasak ng giyera sa pagitan ng tropa ng militar at Maute-ISIS.

Ayon kay Romina Marasigan, spokesperson ng Office of Civil Defense (OCD), ngayong  napalaya na sa terorismo ang lungsod ay unti-unti ng sisimulan ng Task Force Bangon Marawi ang rehabilitasyon sa lugar.

Sinabi ni Marasigan, base sa inisyal na plano ng TF Bangon Marawi na pinamumunuan nina Defense Sec. Delfin Lorenzana at Public Works and Highways Sec. Mark Villar, bago matapos ang taon sa Disyembre ay nakabalik na ang mga evacuees sa lungsod pero sa transitional shelters lamang muna ang mga ito maninirahan.

Habang nasa transitional shelters ang mga evacuees ay bubuuin naman ng gobyerno ang plano para sa permanenteng matitirahan ng mga ito.

Sa katunayan, sinabi ng opisyal na nitong Agosto sa kasagsagan ng bakbakan sa Marawi ay nagpadala na ng mga pagkain at non-food items ang NDRRMC sa mga evacuees na tinuruan rin ng livelihood program tulad ng pananahi, pagha-hardin, cake baking na halos limang buwan ring nanatili sa mga evacuation centers simula ng sumiklab ang krisis sa lugar.

“We have allotted an initial P 5 bilyon for the rehabilitation effort of Marawi City and another P10 bilyon budget next year,” anang opisyal.

Aminado rin ang opisyal na dahil sa laki ng pinsala ng digmaan ay tinatayang aabutin pa ng 2-3 taon bago tuluyang maibalik sa dati o makabangon ang lungsod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with