^

Bansa

NAIA tinanggal na sa ‘Worst Airports’

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon
NAIA tinanggal na sa �Worst Airports�

Matatandaan noong Oktubre 2016, pang-lima ang NAIA sa World’s Worst Airports dahil sa isyu ng ‘tanim-laglag-bala’ o TALABA, na inirereklamo at kinatakutan ng mga foreign passengers lalo na ang mga overseas Filipino worker. Curoninja/CC BY-NC, File

MANILA, Philippines — Ikinagalak ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na inalis na sa talaan ng top 20 ‘Worst Airports’ sa buong mundo at sa 5 ‘Worst Airports’ sa Asia 2017 ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito’y ayon sa inilabas na survey ng “The Guide To Sleeping In Airports” travel website noong October 15.

Matatandaan noong Oktubre 2016, pang-lima ang NAIA sa World’s Worst Airports dahil sa isyu ng ‘tanim-laglag-bala’ o TALABA, na inirereklamo at kinatakutan ng mga foreign passengers lalo na ang mga overseas Filipino worker.

Gayunman, ang rek­la­mong ito ay mabilis na inaksyunan ng Pangulong Duterte ng maupo ito sa puwesto at sa ginawang utos kay MIAA General Manager Ed Monreal.

Ipinagmalaki ni Monreal ang mga ginawang pagsasaayos ng Duterte admi­nistration sa mga terminal sa NAIA, mga kalsada rito, ang pagpapaigting ng mga seguridad para sa kaligtasan ng mga pasahero at publiko sa paliparan kaya wala ng mga pasahero ang nagbabalot ng packing tapes sa kanilang mga bagahe sa takot sa “tanim laglag bala”.

Noong 2011 hanggang 2013 ay kabilang ang NAIA sa pinakamalalang airport sa buong mundo noong 2014. Nasa ika-apat ito sa listahan pero hindi napabilang ?sa 10 Worst Airports noong 2015 subalit nasa ika-8 ‘worst airport’ ito sa Asia.

Ibinalita naman ng Department of Transportation (DOTr) na kabilang sa top 25 best airport sa Asia ngayong 2017 ang Iloilo International Airport, Mactan-Cebu International Airport, Clark International Airport at Davao International Airport.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with