^

Bansa

Vendor utas sa kapwa vendor

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang matinding selos ang dahilan upang mapatay ang isang vendor ng kapwa nito vendor matapos itong pagbabarilin ng suspek sa Pasig City, kamakalawa ng hapon.

Bumulagta noon din ang biktimang si Carmal Bata, nasa hustong gulang, at vendor sa Pasig Mega Market, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Habang pinaghahanap naman ng pulisya ang mabilis na tumakas na suspek na nakilala lang sa alyas na “Mac-Mac”.

Nabatid na dakong alas-5:40 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa ikalawang palapag ng Pasig Mega Market na matatagpuan sa Barangay San Nicolas sa lungsod.

Ayon sa report, nakaupo at nagpapahinga ang biktima nang dumating ang suspek na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril at ilang ulit na pinagbabaril ang walang kalaban-labang biktima at pagkatapos  ay mabilis ding tumakas palayo ng lugar

Lumalabas sa imbestigasyon, away sa pag-ibig ang motibo ng krimen dahil nagalit ang suspek sa biktima matapos siyang iwanan ng kanyang dating live-in partner  at nakisama sa pinaslang na vendor.

Nagsasagawa pa ng follow up operation ang mga awtoridad para sa ikadarakip ng suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with