PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

PDEA naghahanap ng mga bagong miyembro

MANILA, Philippines - Matapos ipatigil ang “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP), naghahanap ng mga bagong miyembro ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang lalong mapaigting ang kampanya kontra ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangangailangan ang PDEA ng 373 katao matapos muling ipahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-illegal drug operations ng PNP.

“PDEA’s membership to the NIC is a result of our request to President Rodrigo Roa Duterte to include the Agency in the committee to further strengthen our intelligence capability,” sabi ni Director General Aaron Aquino.

“Interested applicants may send their application letters addressed to AARON N AQUINO, Director General, Philippine Drug Enforcement Agency, NIA Northside Road, National Government Center, Barangay Pinyahan, Quezon City. Attached the necessary documentary requirements and submit them through personal delivery to the PDEA Administrative and Human Resource Service,” dagdag niya.

Mayroong 2,271 regular na posisyon ang ahensya at sa kasalukuyan ay 1,898 pa lamang ang napupunan sa iba’t-ibang opisina nito sa buong bansa.

“This is the opportunity for those who want to join the fight in ridding our country of illegal drugs and be part of an elite drug law enforcement group,” patuloy ni Aquino.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Muling ibinalik ni Duterte sa PDEA ang pagsugpo sa ilegal na droga dahil sa sunud-sunod na kinasangkutang kontrobersya ng PNP.

Nitong unang bahagi ng taon ay ipinabuwag ang anti-illegal drug group ng PNP matapos malaman ang pagdukot at pagpatay sa Korean businessman Jee Ick Joo na pinaslang pa sa loob ng Camp Crame.

Bukod sa PNP, hindi na rin mangunguna sa anti-illegal drug operations ang National Bureau of Investigation.
 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: