PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Primary suspek sa Atio hazing dumating na sa Pinas mula US

MANILA, Philippines – Nakauwi na sa Pilipinas ang isa sa mga suspek sa pagkamatay ni University of Santo Tomas law student Horacio "Atio" Castillo III.

Dumating sa bansa ngayong Martes ng tanghali si Ralph Trangia matapos magtungo ng Amerika kasunod ng pagkasawi ni Castillo sa pinaniniwalaang hazing.

Umalis si Trangia kasama ang kaniyang ina noong Setyembre 18, isang araw bago ilabas ng Department of Justice ang Immigration lookout order sa kanilang mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Nahaharap si Trangia at ang iba pa niyang kasama sa patung-patong na kasong murder, anti-hazing, robbery, at obstruction of justice.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kinasuhan din ng obstruction of justice ang ina ni Trangia.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na bumalik sa bansa si Trangia upang maiwasang ma-deport ng mga awtoridad ng Amerika.

"We were informed that the US authorities are preparing to deport him. So I believe he opted to return voluntarily rather than be deported," sabi ng kalihim kagabi.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: