^

Bansa

Tserman, 1 pa, inispreyan ng bala, todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang barangay chairman,isang 27-anyos na lalaki, habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos na paulanan ng bala ng apat na mga armadong salarin na lulan ng tatlong motorsiklo sa naganap na ambush sa Brgy Baybay, Liloy, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Philip Malon , 40- anyos, Brgy. Chairman ng Brgy. Mucas, Salug, Zamboanga del Norte at Edgard Lagare.

Ang dalawang biktima ay kapwa idineklarang dead- on-arrival sa pagamutan sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas na inilipat na sa Dipolog City Hospital ang mga sugatang si Ava Vega, 35, ng Brgy. Liguac, Salug at Ari Acas, 25-anyos.

Sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Helen Galvez, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9, nangyari ang insidente  sa Brgy. Baybay, Liloy ng lalawigang ito dakong alas-5:10 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ang target na chairman ay nagtungo sa isang itinatayong gusaling pang-komersyo na pag-aari ni Marjhon Bihag , Sangguniang Bayan member ng Liloy, Zamboanga del Norte upang makipagkita kay Marichu Acas nang biglang sumulpot ang mga salarin at pagbabarilin ang lokal na opisyal.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal 5.56 pistols at isang Isuzu trooper.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with