^

Bansa

Marawi narcolist matrix iimbestigahan na ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iimbestigahan ng Philippine National Police  ang drug matrix ng mga pulitikong sinasabing nagpondo sa rebelyon sa Marawi City.

Ang hakbang ay kaugnay naman na isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga narco-politicians umano kabilang ang napatay na si dating Ozamis City Mayor Reynaldo “Aldong“ Parojinog ang nagpondo ng rebelyon ng Maute terror group.

Ang pagbubunyag sa panibagong drug matrix ay ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ika-5 beses na pagbisita sa Marawi City kung saan halos apat na buwan na ang krisis  kaugnay ng patuloy na bakbakan ng militar at ng Maute –ISIS.

Nabatid na kabilang sa mga narco-politicians na sinasabing nagpondo sa rebelde ay kinasasangkutan din ng mga mayor at bise alkalde sa Lanao del Sur.

Binigyang diin ni PNP Spokesman P/ Chief Supt. Dionardo Carlos na sa pama­magitan ng money trail ay  inaalam na ng mga imbestigador kung ano ang naging ugnayan ng mga drug lords at mga pulitiko sa Maute-ISIS terror group.

Samantala, tinutukoy din sa bagong drug matrix ay  ang dating alkalde ng Marawi City na si Omar Solitario na mayroon na ring arrest order mula sa Defense department.

Si Solitario ay una nang tumanggi sa pa­ratang at nag-alok na tutulong sa pagresolba sa krisis sa kanilang siyudad.

“Kasi tingnan niyo kung affected sila sa buong bansa, its a business for them, however this is illicit, bawal so they would do anything para mag-survive o magpatuloy ang kanilang illegal activity and the protection that can be given by these terror groups. Isa ‘yan sa mga possible nilang kunin yung funding the activity of the terror groups”, giit pa ni Carlos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with