^

Bansa

Bagong sama ng panahon, binabantayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa na namang bagong sama ng panahon ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, ang low pressure area (LPA) ay namataan kahapon sa layong 245 kilometro ng silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Sinabi ni weather specialist Obet Badrina ng Pagasa na alas-3 ng hapon kahapon ay mahina lamang ang LPA at hindi kinakikitaan na magiging isa itong ganap na bagyo. Oras aniya na sumapit ang LPA sa may West Philippine Sea ay tuluyan na itong maglalaho.

Gayunman, kung ito ay maging bagyo, tatawaging itong bagyong Odette.

Samantala, makakaranas naman ng mga pag uulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng National Capital Region dahil sa epekto ng habagat. Maaliwalas hanggang sa katamtaman ang alon sa karagatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with