^

Bansa

2 Vietnamese fishermen napatay ng Phl Navy

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napatay ng mga operatiba ng Philippine Navy ang dalawang mangingisdang Vietnamese  habang lima pang kasama nila ang naaresto habang iligal na nangingisda sa West Philippine Sea noong Sabado.

Ayon kay Lt. Col. Isagani Nato, information officer ng Northern Luzon Commander, na ang dalawang Vietnamese national ay iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Sabi ni Nato, nagtangka pang tumakas ng nasabing mga mangingisda subalit hinabol nila ito at pinaputukan sila ng baril.

Dahilan dito kaya gumanti umano ng putok ang Navy na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang Vietnamese habang lima pa nilang kasama ang inaresto at dinala sa Bolinao police station.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad kabilang na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing insidente at malaman ang pagkakilanlan ng mga naaresto at nasawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with