^

Bansa

Right to privacy ng Gabinete sa SALN, idinepensa ng Palasyo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Right to privacy ng Gabinete  sa SALN, idinepensa ng Palasyo

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, bagaman at isinusulong nila ang prinsipyo ng transparency at accountability ng mga nagta-trabaho sa gobyerno, pero pinapahalagahan pa rin nila ang “right to privacy” ng mga miyembro ng Gabinete. File

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol kahapon ng Malacañang ang ginawa ng ilang mi­yembro ng Gabinete ni Pangulong Duterte na pagtatago ng ilang bahagi sa kanilang Statement of Assets, Liability, and Net Worth (SALN).

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, bagaman at isinusulong nila ang prinsipyo ng transparency at accountability ng mga nagta-trabaho sa gobyerno, pero pinapahalagahan pa rin nila ang “right to privacy” ng mga miyembro ng Gabinete.

Ang pagtatakip din umano sa ilang bahagi ng SALN ay naaayon sa Data Privacy Act (DPA).

Obligasyon din aniya ng mga data protection officers na takpan ang ilang items ng SALN para sa proteksyon ng mga state workers kabilang na ang mga miyembro ng Gabinete.

 Ayon pa kay Abella, maaaring may mga taong magsamantala sa mga sensitibong impormasyon at iba pang detalye sa SALN kaya ikinokonsidera nilang “valid issues”  ang seguridad ng mga nasa gobyerno.

Nauna rito, iniulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na itinago ng Office of the President ang ilang impormasyon sa SALN ng mga miyembro ng Gabinete kabilang na ang eksaktong lokasyon kung nasaan ang kanilang mga real properties at kung magkano ang halaga nito.

Itinago rin ang mga address ng mga negosyo at mga business interests.

Marami ang umalma rito dahil sa kabiguang pagdedeklara ng tamang SALN ang dahilan ng pagkaka-impeach noon kay dating Chief Justice Renato Corona at basehan din ngayon sa impeachment complaint na kinakaharap ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Kamara.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with