^

Bansa

Pinoy ‘di natututo sa bangungot ng martial law - VP Robredo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tila hindi umano natuto ang tao makalipas ang 55 na taon simula ng isailalim ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang bansa sa martial law na 14 na taong pinagdusahan ng sambayanang Filipino.

Ayon kay Vice president Leni Robredo, sa loob ng 14 taon na nasa ilalim ng batas militar ang Pilipinas matindi ang kultura ng karahasan, pang-aabuso sa kapangyarihan at kawalan ng katarungan, mga bagay na nararamdaman na naman aniya ngayon.

“Sa paligid po natin, tila nag-umpisa na naman iyong kultura ng karahasan. At iyong kultura ng karahasan, ang biktima hindi na lamang iyong mga sumasalungat sa gobyerno. Pero
kahit sino, kahit bata, nagiging biktima ng karahasan na ito,” aniya.

Ayon sa Bise Presidente ang mga nangyayari ngayon sa paligid ay lubhang nakaka­bahala at nagdadala ng takot sa mamamayan kaya.” Ang tanong lang po sa atin: Ito ba
tayo? Ganito ba tayong mga Pilipino?”

Isa ito sa mga mensahe ni Vice President Robredo sa Misa Para sa Katarungan sa Parish of the Holy Sacrifice, sa UP Diliman kamakalawa na dinaluhan din ni dating Pangulong Benigno
“Noynoy” Aquino. “At alam ko po, kayong lahat na nandito nga­yong hapon, sasabihin natin, “Hindi tayo ganito.” At hin­ding hindi natin papayagan na iyong dating pinagdaanan natin, pagdadaanan natin ulit. At iyong pinakaaral, magkaisa po tayo,” wika pa ni Robredo.

“Magkaisa tayo hindi lang po para ipaglaban iyong ating mga sariling paniniwala, pero magkaisa po tayo sa pagmamahal sa ating bayan. Malaking aral po na napulot natin noon, kapag tayo ay nagkakaisa, lahat na inaakala nating imposible, puwedeng maging
posible,” dagdag nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with