Walang martial law - Malacañang
MANILA, Philippines — Siniguro kahapon ng Malacañang na walang plano si Pangulong Duterte na magdeklara ng Martial Law sa buong bansa.
“Again and again, hindi iyan ang patutunguhan nation,” ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.
“Ang sinabi niya, he’s allowing the protest, huwag lang malaglag sa violence and destruction of property, in which case the response will be firm. Pero kung sinasabi na pinagpaplano ang martial law, hindi po,” sabi ni Abella.
Ilang kritiko ni Pangulong Duterte ang nagpapalutang na patungo sa pagdedeklara ng Martial Law ang Duterte government.
Idineklara ng Pangulo na “National Day of Protest” kahapon sa ika-45 taong anibersaryo ng Martial Law. Sinuspinde rin ng Malacañang ang pasok sa government offices at pampublikong paaralan sa lahat ng level upang magkaroon ng pagkakataon ang mga gustong sumama sa kilos-protesta.
“So, sa simula’t sapul po ang President been very very inclusive and one thing, in his line, a comfortable life for all. In other words, damang dama po ng Presidente ang hinaing ng tao and again and again, especially he is against sa ano… iyong corruptions, crime and iyong pag-aabuso,” dagdag ni Abella.
- Latest