^

Bansa

P1K budget ng 3 ahensiya binawi ng Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binawi na ng Kamara ang desisyon nito na bigyan lang ng tig-P1,000 budget ang Commission on Human Rights (CHR), Energy Regulatory Commission (ERC) at National Commission for Indi­genous People (NCIP).

Ayon kay House Appropriations Committee chairman Karlo Nograles, na binigyan na sila ng go signal para ibalik ang pondo ng tatlo matapos na makipag-usap ang pinuno ng nasabing mga ahensiya kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Paliwanag pa ni Nograles na humingi  ng tulong sina CHR Chair Chito Gascon, ERC Commissioner Geronimo Sta. Ana at NCIP Chair Leornor Oralde-Quintayo kay Majority Leader Rodolfo Fariñas at Nograles para maging tulay kay Alvarez.

Sa nasabing pulong ay sumang-ayon umano si Gascon na palawigin pa ng CHR ang imbestigasyon ng hanggang sa mga pulis, militar at sibilyan na biktima ng human rights violations.

Sa panig naman ng ERC at NCIP, sinabi ni Nograles na tiniyak nila na gagawin ang lahat para labanan ang graft and corruption at matupad ang mandato ng kani-kanilang tanggapan.

Ang pondo ng CHR para sa 2018 ay P678 milyon, samantalang sa ERC ay P390.5 milyon at P1.1 bilyon naman sa NCIP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with