PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hontiveros sasampahan ng kidnapping ng VACC

MANILA, Philippines — Nakatakdang sampahan ng kasong kidnapping ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Ito ay may kaugnayan sa pagkustodiya ng senador sa mga witness sa kasong pagpatay kay Kian delos Santos ng Caloocan City.

Sa reklamo ng VACC at ni dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras, basta na lamang kinustodiya ni Hontiveros ang mga witness na wala man itong koordinasyon sa mga otoridad.

Naging matigas din ang paninindigan ni Hontiveros na hindi niya ibibigay ang mga witness para na rin sa seguridad ng mga ito.

Bukod aniya sa pagpapasakamay sa mga kapulisan ay ipinasakamay niya ang mga ito kay Caloocan Bishop Pablo David.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: