^

Bansa

3 magnanakaw timbog sa Valenzuela

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog ang tatlong magnanakaw kabilang ang dalawang menor-de-edad makaraang mahuli sa akto ng mga tanod ng barangay na dala ang nasa P100,000 halaga ng mga bakal, kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Nakilala ang na­dakip na si Romeo Reyes, 57-anyos, tricycle driver, at residente ng no. 6366 Natividad, Brgy. Mapulang Lupa, ng naturang lungsod. Itinago naman ang pagkakakilanlan sa dalawang menor-de-edad niyang kasama.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang masita ng mga ta­nod ng Barangay Ugong si Reyes at dalawang bata nitong kasama dahil sa mga dalang bakal habang binabagtas ang Mindanao Avenue Extension lulan ng isang tricycle.

Nang inspeksyunin ang laman ng tricycle, natuklasan na puno ito ng mga machine parts at steel bars habang walang maipakitang dokumento si Reyes. Dito umamin ang suspek na ninakaw lamang nila ang mga item sa compound ng SLV Manufacturing Corporation sa naturang barangay.

Agad na ipinagbigay-alam ng mga tanod ang insidente sa naturang kumpanya.

Nabatid na nagkakahalaga ang mga items ng humigit kumulang P100,000 ngunit ibebenta ng mga suspek sa mas maliit na halaga sa kontak na junkshop.

Nahaharap ngayon sa kasong robbery si Reyes na nakaditine sa Valenzuela City Detention Center habang nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development Office ang dalawang menor-de-edad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with