^

Bansa

Carl, Kian, Kulot ‘sinadyang’ pinatay para 'isabotahe' ang administrasyon – Duterte

Pilipino Star Ngayon
Carl, Kian, Kulot �sinadyang� pinatay para 'isabotahe' ang administrasyon � Duterte

MANILA, Philippines — "Silipin mong mabuti kasi sinasabutahe kayo. Sinasadya talaga yan.”

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng karumal-dumal at magkakasunod na pagpatay sa mga bata, kabilang ang umano’y kamag-anak niyang si Carl Arnaiz.

Sinabi ni Duterte ngayong Biyernes na sinisiraan ang pulisya at ang kampanya laban sa ilegal na droga sa pagkasawi nina Arnaiz, Kian delos Santos at Reynaldo "Kulot" de Guzman.

BASAHIN:  Poe paiimbestigahan ang magkakasunod na pagpatay sa mga bata

Pinakabagong biktima si de Guzman na natagpuan ang bangkay na palutang-lutang sa isang ilog sa Nueva Ecija.

Umabot sa halos 30 ang tinamong saksak ng 14-anyos na biktima at binalutan pa ang ulo ng packaging tape.

Inamin ni Duterte na posibleng binaril ng mga pulis ang mga suspek ngunit hindi ang pagbabalot ng ulo.

Si de Guzman ang kasama ni Arnaiz nang umalis sila sa Cainta noong Agosto 17. Sampung araw ang lumipas ay sa punerarya na nakita si Arnaiz na nangholdap daw umano ng taxi.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with