^

Bansa

Credit/debit card maari na sa NLEx, SCTEx at CAVITEx tollgates

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA, Philippines – Maaring gamitin sa North Luzon Expressway  (NLEx), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) at CAVITEx ang credit card, debit card na Mastercard,  Beep Card at ang Radio Frequency Identification (RFID).

Ayon kay NLEx Corporation President Rodrigo Franco, magagamit ang ganitong sistema sa 32 tollgates mula Ba­lintawak hanggang sa bayan ng Marilao, Bulacan na siyang open system.

Ito ang mga exits sa northbound ng NLEX o direksiyon papuntang gitnang Luzon kung saan diretso ang paglabas sa mga exits ng Mindanao Avenue, Valenzuela, Lawang Bato, Libtong, Meycauayan at Marilao nang hindi humihinto sa mga tollgates.

Ang sistemang pagpasok sa Balintawak Toll Plaza sa Caloocan, kung walang cash na maibabayad, pwedeng credit/debit card, Beep Card o RFID.

Pagsapit ng 2018, maga­gamit na ito ng mga motoristang luluwas pabalik ng Metro Manila gamit ang southbound lane mula sa Sta. Ines sa Mabalacat hanggang Bocaue Toll Plaza.

Magagamit din ito sa isang taon sa SCTEx, bagama’t maari nang magamit ang RFID sa may 84 kilometro ng NLEx mula Balintawak hanggang Sta. Ines sa 94 kilometro ng SCTEx mula Subic hanggang Tarlac at maging sa CAVITEx mula sa tollgate ng Parañaque City hanggang bayan ng Kawit, Cavite.

Ilalapat na lamang ang card pagdaan sa toll booth sa tollgate.

Paglapat, ibabawas ang halaga ng toll sa bank account ng may-ari ng card. Kung Beep Card ang gagamitin na siyang ginagamit na rin ngayon sa pagsakay sa Light Rail Transit o LRT Line 1, LRT Megatren Line 2 at Metro Rail Transit Line 3.

Maaring pakargahan ng load sa mga train stations at iba pang 15,000 reloading stations sa bansa.

Kung wala pa maski alin sa mga ito, pwedeng bumili ng Smart Mastercard na pinapatakbo ng PayMaya na karaniwang ginagamit bilang mobile money payments.

Kaugnay nito, ganito rin ang magiging sistema kapag binuksan sa 2018 ang NLEX-Harbor Link mula sa Karuhatan Exit sa Valenzuela hanggang Radial Road 10 sa Navotas na magiging ruta mula NLEx Mindanao Avenue Interchange hanggang Pier sa Maynila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with