^

Bansa

Kian Body Cam Act isinulong sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos na umani ng ngitngit ng publiko ang pagkakapatay sa 17-an­yos na estudyanteng si Kian Lloyd  delos Santos sa anti-drug war ng Phi­lippine National Police (PNP), isinulong kahapon ni Acts OFW Rep. Aniceto “John” Bertiz III ang paggamit ng body camera sa anumang operasyon ng pulisya.

Sinabi ni Bertiz, bilang Act OFW solon ay nakikidalamhati siya sa ina ni delos Santos na isa ring manggagawa sa ibayong dagat sa pagkamatay ng anak nitong si Kian.

Ayon kay Bertiz, isinulong niya ang House Bill 6250 o ang The Kian delos Santos Body ?Cam Act of 20017 bilang pagkilala sa 17-anyos na estudyante at iba pang menor de edad na namatay sa anti-drug war.

Kung may body came­ra lamang na suot ang Caloocan City Police raiding team ay magkakaroon ng malinaw na video na magsisilbing ebidensya kung paano nasawi ang biktima at agad na matutukoy ang mga responsable.

Binigyang diin pa ng mambabatas na dapat ay matagal ng gumamit ng body cameras ang si­numang mga miyembro ng law enforcement agencies dahil bahagi ito ng teknolohiya at maging sa proteksyong sibil ng net izens.

Alinsunod sa nasabing panukala ay popondohan ng P200 M ang pagbili ng body cameras sa bawat isang miyembro ng police units na nasa operasyon ang trabaho partikular na sa anti-drug war at anti-criminality operations.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with