^

Bansa

Netizens kay Uson: ‘Quota na;’ Sasot 'forensic expert’

Christian Imperio - Pilipino Star Ngayon
Netizens kay Uson: �Quota na;� Sasot 'forensic expert�

Presidential Communication Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson handles the office's social media. FILE PHOTO

MANILA, Philippines – Muli na namang umani ng samu’t-saring kritisismo mula sa mga netizen si Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson matapos niyang hamunin ang ilang miyembro ng Liberal Party (LP) na dalawin ang lamay ng isang pulis.

Sa isang Twitter post ni Uson, hinimok niya na bisitahin nila Bise Presidente Leni Robredo, Sen. Bam Aquino, Sen. Antonio Trillanes IV, at Sen. Risa Hontiveros ang burol ng isang pulis, kasunod ng pakikipaglamay nila ng iba pang miyembro ng LP sa burol ng 17-anyos na si Kian delos Santos na umamo’y walang habas na pinatay ng mga pulis.

Ngunit sa naturang post ni Uson ay agad na napansin ng mga mapagmatiyag na netizens na lumang balita na pala ng Philippine Daily Inquirer ang inilabas ng kalihim.

Nalaman na isang taon na palang patay ang nais papuntahan ni Uson sa mga miyembro ng LP.

Kaagad namang binura ni Uson ang nasabing post ngunit naunahan pa rin siya ng mga netizen sa pag-screengrab ng kaniyang tweet.

Dahil dito ay nag-trending ang hashtag na “FireMocha” na nananawagan sa pagpapatalsik sa kaniyang pwesto sa gobyerno.

Samantala, hindi rin nakaligtas sa mga netizen ang isa pang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Sass Sasot matapos niyang tangkain na ipaliwanag kung bakit natagpuan sa kaliwang kamay ni delos Santos ang baril bagamat hindi ito kaliwete.

Paliwanag ni Sasot, hindi naman imposibleng mangyari ito.

Ngunit mabilis na tinuligsa ng mga netizen ang naging paliwanag ni Sasot.

Pinaniniwalaang itinanim ng mga pulis Caloocan City ang baril sa kamay ni delos Santos base sa salaysay ng mga saksi.

Nakuhaan din sa closed-circuit television camera ang panggigipit ng mga pulis kay delos Santos ilang minuto bago siya patayin.

Hindi ito ang unang beses na binatikos ng publiko si Uson dahil sa mali-maling pahayag sa kaniyang social media accounts.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with