PADEM hindi kunektado sa AFP
MANILA, Philippines - Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang kuneksyon sa kanila ang grupong Patriotic and Democratic Movement (PADEM) na nanawagan ng pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.
Sa statement na inilabas ni AFP spokesperson General Restituto Padilla, ang lahat ng buong kasundaluhan, maging civilian o uniformed personnel man ay buong pusong nakasuporta sa kanilang commander in chief.
Giit pa ni Padilla na ang akusasyon at isyu na sinasabi ng naturang grupo ay walang basehan at politically motivated na hindi na papatulan ng AFP.
Itinanggi at sinabi rin ni Padilla na walang katotohanan ang akusasyon ng grupo na umano’y nakakatanggap ang kasundaluhan at kapulisan ng pabuya mula sa DOJ sa bawat napapatay na taong sangkot sa droga, NPA o sinumang kalaban ng pamahalaan. Mayroon umano silang mandato na protektahan ang taumbayan at mananatili rito kung kinakailangan.
Nangako naman si Padilla na hindi mangingiming gumagamit ng lakas ang kasundaluhan na manggugulo sa seguridad ng bansa sa pamamagitan ng pagdestabilisa rito. (Gemma Garcia with trainee Engrid Genova)
- Latest