^

Bansa

VP Leni nagpasalamat kay Mocha

Pilipino Star Ngayon
VP Leni nagpasalamat kay Mocha

Nagpahayag ng pasasalamat si Vice-President Leni Robredo kay PCOO Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa pagsama ng kanyang pangalan sa isang survey nito kung sino ang pwedeng ipalit kay dating Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo matapos itong i-reject ng Commission on Appointments. OVP, File

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pasasalamat si Vice-President Leni Robredo kay PCOO Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa pagsama ng kanyang pangalan sa isang survey nito kung sino ang pwedeng ipalit kay dating Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo matapos itong i-reject ng Commission on Appointments.

“Nagpapasalamat na rin tayo kay Asec. Mocha Uson, na pagpapakita siguro na may tiwala na puwede tayong humawak ng ganiyang kabigat na puwesto,” ani VP Robredo sa lingguhang programa nito sa radyo kahapon.

Ayon sa VP, mas malaki ang pasasalamat niya sa mga taong bumoto na karapat-dapat siyang manilbihan bilang DSWD Secretary. ”Mas malaki sigurong pagpapasalamat sa mga nagpahayag na ako ‘yung preference nila, kasi pagpapakita na tinitiwalaan tayo sa ganitong larangan, “ani Robredo. Sa online poll na inilunsad ng blogger na si Uson, namayagpag si Robredo sa nakuhang 81 percent ng 16,432 bumoto sa survey.

Nakakuha naman ng 6 percent ang isa ring blogger at ngayon ay DSWD Assistant Secretary Lorraine Badoy, 2 percent kay Monica Prieto-Teodoro, asawa ni dating Defense Secretary Gilbert Teodoro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with